𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗜𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖𝗢

Tinatawagan po ang lahat ng miembros ng SORECO II na bumisita sa opisina ng SORECO II sa inyong distrito simula 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹 𝟮𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟰 hanggang 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟰 dala ang isang valid ID para magpa-update ng inyong records. Bago pumunta sa opisina, ihanda ang mga sumusunod na personal na impormasyon.

1. Petsa ng Kapanganakan (Birthdate)
2. Edad
3. Kasarian
4. Relihiyon
5. Civil Status
6. TIN number
7. Contact number
8. Trabaho
9. Postal Address

Kinakailangan ang updating ng membership records para sa buong implementasyon ng mga sumusunod:

1. Sa pagbibigay ng 2021 at 2022 na dibidendo mula sa net income ng SORECO II;
2. PPT outsourcing;
3. Pagsasaayos ng listahan ng miyembro sa Billing, Collection, Election System; at
4. BIR registration

Bilang karagdagan, ang lahat ng miyembro ng SORECO II ay kailangang magpasa ng update taon-taon tungkol sa personal nilang imposmasyon kung mayroon mang pagbabago.
Ito ay alinsunod sa collective decision ng miyembros sa 33rd AGMA at Board Resolution No. 51, Series 2024.
Inaasahan po namin ang iyong pakikiisa sa layuning ito ng kooperatiba.
Maraming salamat po.

SORECO II Management

Pindutin ang link na ito at mag fill-up ng inyong impormasyon.

(Sineseryoso namin ang seguridad at pagiging kompidensiyal ng iyong personal na impormasyon, tinitiyak na ito ay protektado nang maayos at pinananatiling pribado.)

https://forms.gle/dRHGa9Fs5Ncc5p6K7

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *