Ang taunang proyektong PAILAW SA UNDAS ng SORECO II ay isinagawa sa lahat ng tanggapan ng SORECO II ngayong Undas 2023 bilang pagtugon sa responsibilidad ng kooperatiba na maka-ambag sa panlipunang layuning tiyakin ang kaligtasan ng bawat pamilyang magtitipon-tipon sa sementeryo upang alalahanin ang mga yumaong kamag-anak.
Ang grupo ng linemen sa pamumuno ng Area Managers at Supervisors ikinabit ang ilang units ng street lights at iba pang kagamitang kailangan para sa pailaw sa loob ng sementeryo. Ang mga ito ay kinuhang muli pagkatapos ng paggunita ng undas.
Ang BUFFER/CALAMITY FUND ay pondong inilalaan po ng SORECO II member-consumer-owners (MCOs) para sa agarang pagkumpuni at pagsaayos ng mga napinsalang pasilidad ng SORECO II sa mga panahon ng bagyo, kalamidad at iba pang mga sakuna. Ang paglaan ng Buffer Fund ay inaprubahan ng SORECO II Annual General Membership Assembly (AGMA) noong Abril 22, 2023 sa pamamagitan ng AGMA Resolution No. 05, Serye 2023 na nag aatas ng kontribusyon sa halagang LIMANG PISO BAWAT BUWAN (Php5.00/buwan) sa lahat ng aktibong koneksyon ng SORECO II, maging ito man ay residential, low voltage o higher voltage.
Ang BUFFER/CALAMITY FUND ay maari lamang magamit ng SORECO II Management base sa pagsang-ayon at pahintulot ng SORECO II Board of Directors sa pamamagitan ng isang resolusyon. Ang Management naman ay maaari lamang humingi ng pahintulot sa SORECO II Board of Directors naaayon naman sa pagdeklara ng โState of Calamityโ ng ating mga local o national na pamahalaan.
Ang pagpalabas ng pondo (release of funds) at pagpapatunay ng tamang paggastos (liquidation) ng BUFFER/CALAMITY FUND ay isasailalim sa masusing NEA at SORECO II Procurement Guidelines at Accounting at Auditing Rules.
Ipinatupad na po ng SORECO II ang pag-kolekta ng BUFFER/CALAMITY FUND sa halagang Limang Piso (Php5.00) simula po nitong Agosto 2023 na billing month. Sa mga umaambag po sa Piso Para sa Tugang (PPT), ito ay ibabahagi mula sa Tatlumpung Piso (Php30.00) buwanang kontribusyon. Ang benepisyong matatanggap sa PPT ay hindi po maaapektuhan at mananatiling Php22,000.00. Sa mga hindi umaambag sa PPT, ang Limang Piso bawat buwan (Php5.00/buwan) kontribusyon sa BUFFER/CALAMITY FUND ay magiging panibagong buwanang kontribusyon.
Para sa karagdagang impormayon at katanungan maaring po lamang na bumisita at sumangguni sa pinakamalapit na opisina ng SORECO II.