Orientation on Lifeline Rate Program, in coordination with Sorsogon DSWD, POO, September 04, 2023 (Monday) at SSU AV Hall, Sorsogon City.
Buffer o calamity fund inaprubahan ng General Assembly sa pamamagitan ng AGMA Resolution No. 05 Serye 2023, Abril 22, 2023
Ang BUFFER/CALAMITY FUND ay pondong inilalaan po ng SORECO II member-consumer-owners (MCOs) para sa agarang pagkumpuni at pagsaayos ng mga napinsalang pasilidad ng SORECO II sa mga panahon ng bagyo, kalamidad at iba pang mga sakuna. Ang paglaan ng Buffer Fund ay inaprubahan ng SORECO II Annual General Membership Assembly (AGMA) noong Abril 22, 2023 sa pamamagitan ng AGMA Resolution No. 05, Serye 2023 na nag aatas ng kontribusyon sa halagang LIMANG PISO BAWAT BUWAN (Php5.00/buwan) sa lahat ng aktibong koneksyon ng SORECO II, maging ito man ay residential, low voltage o higher voltage.
Ang BUFFER/CALAMITY FUND ay maari lamang magamit ng SORECO II Management base sa pagsang-ayon at pahintulot ng SORECO II Board of Directors sa pamamagitan ng isang resolusyon. Ang Management naman ay maaari lamang humingi ng pahintulot sa SORECO II Board of Directors naaayon naman sa pagdeklara ng βState of Calamityβ ng ating mga local o national na pamahalaan.
Ang pagpalabas ng pondo (release of funds) at pagpapatunay ng tamang paggastos (liquidation) ng BUFFER/CALAMITY FUND ay isasailalim sa masusing NEA at SORECO II Procurement Guidelines at Accounting at Auditing Rules.
Ipinatupad na po ng SORECO II ang pag-kolekta ng BUFFER/CALAMITY FUND sa halagang Limang Piso (Php5.00) simula po nitong Agosto 2023 na billing month. Sa mga umaambag po sa Piso Para sa Tugang (PPT), ito ay ibabahagi mula sa Tatlumpung Piso (Php30.00) buwanang kontribusyon. Ang benepisyong matatanggap sa PPT ay hindi po maaapektuhan at mananatiling Php22,000.00. Sa mga hindi umaambag sa PPT, ang Limang Piso bawat buwan (Php5.00/buwan) kontribusyon sa BUFFER/CALAMITY FUND ay magiging panibagong buwanang kontribusyon.
Para sa karagdagang impormayon at katanungan maaring po lamang na bumisita at sumangguni sa pinakamalapit na opisina ng SORECO II.
SORECO II MANAGEMENT